Poe, gusto nang maalis sa puwesto si DOTC Sec. Abaya

By Kathleen Betina Aenlle November 10, 2015 - 04:18 AM

 

Mula sa inquirer.net

Panahon na para tuluyang pakawalan ng Pangulong Benigno Aquino III si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.

Ayon kay Sen. Grace Poe, ito ay dahil sa kabiguan ni Abaya na resolbahin ang problema sa sektor ng transportasyon gaya ng Metro Rail Transit at iba pa.

Giit ni Poe, kailangan ng bansa ng mas mabuting DOTC secretary.

Bagaman matalino si Abaya, sinabi ni Poe na hindi ito sapat dahil kailangan din ng kakayanan na matutukan ang mga proyekto ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng sambayanan.

Hindi maikakaila ayon kay Poe na naging pabaya si Abaya sa kanyang tungkulin.

Nauna nang hiniling ni Senador Chiz Escudero sa Pangulo na sibakin na si Abaya dahil sa problema sa MRT, tanim bala sa airport, trapik at iba pa.

Ayon kay Abaya, matagal ng may mga panawagan na magbitiw siya sa puwesto, pero para sa kaniya, isang pribilehiyo ang magsilbi sa gobyerno at sa taong bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.