71-anyos na lola, nakuhanan ng bala airport

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2015 - 01:14 PM

naia2 tanim bala grig montegrande
Inquirer File Photo by Grig Montegrande

Nahulihan ng dalawang bala sa kaniyang bag ang isang 71-anyos na babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakilala ang babae na si Antonina Agustin na susundo lamang ng kaniyang kaanak sa Terminal 3.

Nakuha kay Agustin ang isang bala ng 9mm pistol at bala ng .38 revolver, matapos ma-detect sa X-ray scanning machine.

Inamin umano ni Agustin na dala-dala niya lagi ang nasabing mga bala sa loob ng kaniyang bag bilang proteksyon laban sa “kulam”.

Ayon sa kaanak ni Agustin, hindi umano niya alam ang isyu kaugnay sa “laglag bala” dahil hindi siya nakakapanood ng TV o nakakapakinig ng radyo.

Dinala sa tanggapan ng Philippine National Police Aviation Security Group si Agustin.

TAGS: laglag bala, tanim bala, laglag bala, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.