Pacquiao, gusto ng rematch kay Floyd Mayweather Jr. bago magretiro

By Chona Yu November 08, 2015 - 01:53 PM

pacquiao-mayweather
AP file photo

Nais pa rin ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na muling makalaban sa ring si Floyd Mayweather Jr. bago tuluyang magretiro sa mundo ng boksing.

Ayon kay Pacquiao, gusto niyang magkaroon ng rematch bago siya sumabak sa senatorial elections sa buwan ng Mayo ng 2016.

Umaasa si Pacquiao na magaganap ang rematch kahit na nagretiro na si Mayweather.

Ayon pa kay Pacquiao, hindi na bago sa kanya ang naturang mga pahayag ni Mayweather dahil palagi naman itong lumalabang muli kapag may nakasundong presyo para sa laban.

Matatandaang tinalo ni Mayweather si Pacquiao nang maganap ang kanilang laban sa Amerika noong May 2, 2015.

TAGS: pacmayrematch, pacquiaovsmayweather, pacmayrematch, pacquiaovsmayweather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.