Dating miyembro ng “sexbomb dancer” nagsampa ng kaso laban sa asawa

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2015 - 04:08 PM

sugar mercadoInireklamo ng dating miyembro ng all-female dance group na ‘sexbomb’ na si Sugar Mercado ang kaniyang mister na si Kristoffer Jay Go dahil sa patuloy na emotional at physical abuse na dinaranas niya dito.

Si Mercado ay humingi ng tulong sa grupong Gabriela sa pagsasampa niya ng kasong paglabag sa Republic Act 9263 o Anti-Violence Against Women and Children Act laban kay Go sa Quezon City Regional Trial Court.

Ayon kay Mercado ilang ulit siyang nakaranas ng emotional at physical abuse kay Go na sa ibang pagkakataon ay sangkot pa ang magulang ng kaniyang mister simula taong 2010.

May mga pagbabanta din umano sa kaniyang buhay at inilayo din sa kaniya ang kanilang mga anak.

Naghain din si Mercado ng civil case laban sa asawa para maibalik sa kaniya ang kustodiya sa kanilang mga anak.

Sinabi naman ni Gabriela Party List Rep. Emmi De Jesus na tutulungan nila si Mercado sa nasabing kaso hanggang sa makamit nito ang hustisya at makuhang muli ang kaniyang mga anak.

TAGS: Sugar Mercado files civil and criminal case vs husband, Sugar Mercado files civil and criminal case vs husband

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.