Bongbong, handang magpa-DNA para kay Poe

By Jay Dones November 06, 2015 - 03:12 AM

 

Inquirer file photo

Payag na si Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magpa-DNA test kung magiging susi ito para matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng mga magulang ni Senador Grace Poe.

Ito ang tugon ng senador makaraang matanong ng mga mamamahayag kung handa itong magpakuha ng DNA sample matapos magnegatibo ang unang DNA matching na pinagdaanan ni Senador Poe.

Ayon kay senador Marcos, kung makakatulong kay senador Poe na siya ay magpakuha ng DNA sample, kanya itong gagawin.

Gayunman, idinagdag ni Marcos na hindi niya nakikita kung paano makakatulong ang kanyang pagpapakuha ng DNA sa senadora.

Matatandaang 1960’s pa ay buhay na ang mga haka-hakang ‘magkapatid’ sina Senador Bongbong at Poe.

Batay sa mga dati nang usap-usapan, nagkaanak diumano si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa aktres na si Rosemarie Sonora, na kapatid naman ni Susan Roces na siyang umampon sa senadora noong 1973.

Bagama’t paulit-ulit nang itinanggi ng pamilya Marcos at Poe ang naturang tsismis, nananatili itong isang mistulang ‘urban legend.’

Samantala, nagpasalamat naman si Senador Grace Poe sa kahandaan ni senador Bongbong Marcos na magpa-DNA.

TAGS: adoption, bongbong, DNA, foundling, poe, adoption, bongbong, DNA, foundling, poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.