Fetus natagpuan sa kalsada sa Recto, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2018 - 07:48 AM

Isang fetus ang natagpuan matapos itapon sa tabing-kalsada sa Recto, Maynila.

Nakita ang fetus na nakasilid sa plastic at iniwan malapit sa tambakan ng mga basura Huwebes (Oct. 18) ng madaling araw.

Agad dinala ng nakakita ang fetus sa Binondo Police Station na kalaunan ay inilipat sa kalapit na punerarya.

Wala naming nakakita sa nag-iwan ng fetus.

Bubusisiin ng mga pulis kung mayroong CCTV sa lugar para mahanap ang nag-iwan ng fetus.

TAGS: fetus, manila, Radyo Inquirer, fetus, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.