VP Robredo dismayado sa senatorial lineup ng administrasyon

By Isa Avendaño-Umali October 17, 2018 - 12:02 AM

Dismayado ni Vice President Leni Robredo sa lumulutang na “line-up” ng administrasyon na isasabak sa 2019 senatorial race.

Partikular na nakakadismaya, ayon kay Robredo, na mayroong “Marcos” na naman na tatakbo sa halalan.

Hindi man pinangalanan, pero ang tinutukoy ni Robredo ay si Imee Marcos na naghain na ng kanyang certificate of candidacy o COC para kumandidatong senador.

Batay sa ilang ulat ay pasok sa Marcos sa senatorial ticket ng administrasyon.

Pero ayon kay Robredo, marapat na ang line-up ay hindi ikakahiya at kailangang masiguro na magdudulot ng kabutihan para sa bayan.

Samantala, kinumpirma ni Robredo na sa October 24, 2018 ay isasapubliko na ng United Opposition ang kanilang line-up para sa senatorial derby.

Gusto muna raw nila na patapusin muna ang COC filing at ang ingay at kaguluhan.

Sinabi ni Robredo na pinaghirapan nila ang pagpili sa mga kandidato nila, at hindi lamang popularidad ang basehan kundi husay at linis ng pangalan.

Ikinalugod naman ni VP Leni ang pasya ni Mar Roxas na muling tumakbo sa hahalan.

Tiyak aniya na kasama si Roxas sa line-up ng oposisyon, na hindi lamang mula sa LP kundi mayroon din mula sa ibang opposition groups.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.