Mga apektado ng company lockout sa Saudi makakatanggap ng P20K — DOLE

By Len Montaño October 17, 2018 - 12:04 AM

Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tig P20,000 at hindi USD50,000 ang tatanggaping tulong pinansyal ng 1,470 Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng company lockout sa Saudi Arabia.

Ayon kay Bello, ang mabibigay lamang ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ay P20,000 cash assistance sa bawat OFW.

Nakikipag-ugnayan anya ang DOLE sa Saudi Ministry of Labor para tiyakin na ang apektadong Pinoy wokers ay makakakuha ng 2 hanggang 6 na buwang halaga ng unpaid salaries.

Nais din ng ahensya na matiyak ang pangako ng Saudi Arabia na kada linggo ay may papauwiing mga OFW matapos mabigay ang kanilang mga hindi nabayarang sweldo.

Nangako naman si Bello na ang mga OFW na pipiliing umuwi sa bansa ay tutulungan ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.