Parking lot requirement para sa mga bibili ng sasakyan hindi limitasyon — Gatchalian

By Len Montaño October 17, 2018 - 12:24 AM

Nilinaw ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi layon ng kanyang panukalang batas, na nag-oobligang dapat may parking space bago makabili ng sasakyan, na limitahan ang pagbili ng mga sasakyan kundi para lamang magkaroon ng disiplina ang car owners.

Ayon kay Gatchalian, hindi nililimit ng kanyang bill ang pagbebenta at pagbili ng sasakyan.

Ang gusto umanong mangyari ng senador ay makaroon ng responsibilidad ang mga bibili ng sasakyan na unahin munang magkaroon ng parking slot.

Dagdag ni Gatchalian, layon din ng panukalang batas na mawala ang mga obstruction sa mga kalsada at maayos na makadaan ang mga emergency vehicles.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 201 o ang Proof of Parking Space Act, pwede lang makabili ng sasakyan ang indibidwal o negosyo sa loob ng Metro Mnila matapos na may mapakitang affidavit na nagsasabing mayroon silang binili o nirerentahang parking space para sa bibilhing sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.