Babae patay makaraang tumalon sa gusali ng isang punerarya sa QC

By Isa Avedaño-Umali October 16, 2018 - 04:08 PM

Photo: Jimmy Mendoza

Patay ang isang babae makaraang tumalon umano mula sa mataas na bahagi ng Sanctuarium na matatagpuan sa kanto ng Araneta at Quezon Avenue sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang sa pangalang Clarice, 15 years old at isang estudyente na taga-Sto. Domingo, sa lungsod Quezon.

Nang mangyari ang sinasabing “suicide”, ang biktima ay nakasuot ng puting pang-itaas at maong na shorts.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Galas Police Station, tumalon ang biktima mula sa 10th floor ng Sanctuarium na nagresulta sa kamatayan niya.

Base naman sa ilang saksi, nangyari ang insidente sa pagitan ng 11:30 ng umaga at 12:00 ng tanghali.

Titingnan naman ng mga imbestigador kung nahagip ng CCTV ang lugar nang mangyari ang insidente.

TAGS: funeral parlor, quezon city, sanctuarium, funeral parlor, quezon city, sanctuarium

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.