Cabinet secretary Jun Evasco naghain na ng COC; tatakbong gobernador sa Bohol

By Chona Yu October 16, 2018 - 11:43 AM

Photo: Leo Udtohan

Personal na ikakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Leoncio Evasco na tatakbong gobernador ng Bohol.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Evasco na ngumiti lamang ang pangulo nang magpaalam siya na kakalas na sa gabinete para kumandidato.

Paliwanag ni Evasco, kaya siya nagpasyang iwanan ang pangulo para magdala ng pagbabago sa Bohol.

Matagal na panahon aniya niyang pinag-isipan ang pagsabak sa pulitika.

Ayon kay Evasco, mag-uusap pa sila ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo para magsumite ng pormal na resignation letter.

Bago naging cabinet secrtary, naging rebelde at naging mayor ng Maribojoc si Evasco.

TAGS: Bohol, Jun Evasco, Radyo Inquirer, Bohol, Jun Evasco, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.