12 patay sa pagbaha sa France

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2018 - 08:13 AM

AP photo

Patay ang 12 katao sa southwestern France dahil sa naranasang matinding pagbaha doon.

Ayon sa mga lokal na opisyal ang naranasang pag-ulan sa loob ng magdamag na tumagal ng walong oras ay katumbas ng average rainfall sa loob ng pitong buwan.

Dahil sa pagbaha, maraming bahay ang nasira at may mga sasakyang inanod ng tubig.

Nasorpresa ang mga residente dahil oras ng kanilang pagtulog nang maganap ang flash floods.

Pinakaramaming naitalang nasawi sa bayan ng Trebes matapos umapaw ang dalawang ilog doon.

Dahil sa insidente, nagpasya naman si President Emmanuel Macron na suspindehin muna ang nakatakdang balasahan sa kaniyang gabinete upang matiyak na hindi mababalam ang serbisyo sa mga naapektuhang residente.

TAGS: flash floods, Trebes France, flash floods, Trebes France

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.