Retiradong pulis patay sa pananambang sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2018 - 06:47 AM

Nasawi ang isang retiradong pulis makaraang pagbabarilin sa bahagi ng Wagas St., Tondo, Maynila.

Hindi pa inilalabas ng Homicide Division ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng biktima dahil patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatambay ang biktima nang ito ay lapitan ng salarin at saka sya pinagbabaril.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay. (END)

 

TAGS: ambush, Radyo Inquirer, retired policeman, Tondo Manila, ambush, Radyo Inquirer, retired policeman, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.