2 sundalo, patay sa engkwentro sa NPA sa Camarines Norte

By Rod Lagusad October 16, 2018 - 05:28 AM

Google photo

Patay ang dalawang sundalo sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at ng New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte.

Habang sugatan pa ang tatlong sundalo sa nasabing bakbakan.

Hindi pa inilalabas ang pagkakakilalanlan ng mga dalawang namatay na sundalo dahil ipapaalam muna ito sa kanilang mga pamilya.

Nagsasagawa ang 96th Infantry Battalion ng combat patrol sa Barangay Dumagmang nang sila ay paputukan ng mga rebelde.

Ayon kay 9th Infantry Division Spokesman Capt. Joash Pramis ay may namatay din sa hanay ng mga NPA.

Aniya ito ay base na rin sa nakitang mga dugo sa ruta na kung saan tumakas ang mga miyembro ng NPA.

TAGS: Camarines Norte, NPA, Camarines Norte, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.