Duchess of Sussex Meghan Markle, buntis na

By Len Montaño October 16, 2018 - 12:43 AM

Kensington Palace Instagram

Buntis na si Duchess of Sussex Meghan Markle sa unang anak nila ni Prince Harry.

Ayon sa Kensington Palace, masaya ang Royal couple na ibahagi ang magandang balita sa publiko.

Ang unang baby nina Prince Harry at Meghan ay pang-pito sa korona.

Ang pagbubuntis ni Meghan ay ipinaalam kay Queen Elizabeth at ibang senior royals sa pagtitipon ng Royal Family sa Windsor para sa kasal ni Princess Eugenie.

Dumalo sina Prince Harry at Meghan sa naturang kasal at dahil sa suot nitong mahabang dark blue coat ay lumutang ang balita na 12 linggo na itong buntis.

Bago dito ay umigting ang ispekulasyon nang makita si Meghan sa Sydney na may dalang dalawang malaking folder na itinakip nito sa bahagi ng kanyang tiyan.

Excerpt:

 

TAGS: Meghan Markle, Prince Harry, Meghan Markle, Prince Harry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.