SAP Bong Go tuloy sa pagtakbo bilang senador

By Chona Yu, Den Macaranas October 15, 2018 - 03:25 PM

Photo: Chona Yu

Hindi napigilan ni Special Assisttant to the President Christopher “Bong” Go ang mapaluha habang nagdadasal sa loob ng San Miguel Church sa Maynila.

Inaasahan na kasing ngayong araw ang pagsusumite ni Go ng certificate of candidacy sa kaugnay sa kanyang pagtakbo bilang senador.

Hindi naman binigo ni Go ang kanyang mga tagasuporta na naghihintay sa labas ng simabahan ng kanyang kanyang ianunsyo ang pagtakbo sa Senado.

Makaraan ang pagsisimba ay kaagad siyang babalik sa Malacañang para pormal na magpa-alam sa pangulo at magsumite ng kanyang resignation bilang pinuno ng Presidential Management Staff at personal assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang maiksing pahayag ay sinabi ni Go na isusulong niya ang free medical benefits sa bansa.

Itutuloy umano niya sa pamamagitan ng isang legislation ang nasimulan ng panahalaan na pagpapalakas sa health sector.

Tatakbo si Go sa ilalim ng PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: bong go, duterte, pms, resign, senate, bong go, duterte, pms, resign, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.