Single ni Gloc 9 tungkol sa traffic, itinanghal na “Song of the Year” sa 31st Awit Awards

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 09:03 AM

Itinanghal na Song of the Year sa 2018 Awit Awards ang single ni Gloc 9 na “TRPKNNMN (Trapik na Naman).

Sa awarding ceremony na ginanap Linggo ng gabi sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao, pinarangalan ang naturang awit ni Gloc 9 na tumatalakay sa matinding traffic sa Metro Manila.

Nagpasalamat naman sa Gloc 9 sa mga nasa likod para mabuo ang awit na aniya ay patungkol sa araw-araw na dinaranas ng mga mamamayan.

Relate na relate ang mga motorista sa naturang awitin ni Gloc 9 kung saan tinalakay ang matinding kalbaryo na dinaranas ng mga motorista at mga pasahero araw-araw.

Maliban sa traffic ay binanggit din sa kanta ang problema na nararanasan ng mga commuter sa LRT at MRT.

Tinalo ng nasabing kanta ni Gloc 9 ang iba pang nominado na “Labo” ni KZ Tandingan at “Titibo-Tibo” ni Moira Dela Torre.

Naiuwi naman ni Moira ang “Best Song Written for Movie” award para sa kanta niyang “Saglit”.

At tila comeback naman ito para sa 90s rock band na Rivermaya matapos itanghal na “Best Alternative Recording” ang single nilang “Manila”.

Big winner din ang rapper na si Shanti Dope makaraang itanghal na “Best Hiphop Recording” ang awit iyang “Nadarang”.

Ang “Awit Awards” ay taunang parangal ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) na nagbibigay pagkilala sa music industry.

TAGS: Awit Awards, Gloc 9, Song of the Year, Trapik na naman, TRPKNNMN, Awit Awards, Gloc 9, Song of the Year, Trapik na naman, TRPKNNMN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.