25 sugatan sa aksidente sa Los Angeles

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 08:47 AM

AP Photo

Sugatan ang 25 katao matapos ang aksidente na naganap sa Los Angeles Highway.

Sangkot sa aksidente ang dalawang kotse at isang bus.

Ayon sa Los Angeles Fire Department na rumesponde sa aksidente, 5 sa mga sugatan ay seryoso ang kondisyon na kinabibilangan ng tatlong babae na edad 49, 60 at 88 at dalawang lalaki na edad 30 at 69.

Habang maayos naman na ang kondisyon ng 20 iba pa.

Inaalam na kung ano ang naging sanhi ng aksidente, pero sa inisyal na imbestigasyon mistulang nawalan ng kontrol ang bus.

TAGS: accident, Los Angeles, accident, Los Angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.