2 sugatan sa pananaksak sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 07:06 AM

Sugatan ang dalawang factory worker matapos pagsasaksakin sa Barangay Parada, Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela police, sinaksak sa loob ng kanilang barracks ang mga biktimang sina Rino Mestiola, 23 anyos at si Rey Singson, 18 anyos.

Ang dalawa ay pinasok ng mga suspek na si Jerry Subio at saka sila sinaksak. Nagsilbi namang lookout ang isa pa na si Mario dela Cruz.

Nagtamo ng tama ng saksak si Mestiola sa kaniyang dibdib habang sa dibdib at tiyan naman ang tama ni Dela Cruz.

Agad naisugod sa ospital ang dalawa at ngayon ay nilalapatan ng lunas.

Ayon sa mga biktima, dati na nilang kaalitan si Subio.

Mabilis na nakatakas ang suspek at pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad.

TAGS: stabbing incident, Valenzuela City, stabbing incident, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.