22 patay matapos mahulog ang sinasakyang truck sa irrigation canal sa Turkey

By Dona Dominguez-Cargullo October 15, 2018 - 06:34 AM

Reuters Photo

Patay ang dalawamput dalawang katao matapos maaksidente ang isang truck sa Turkey.

Nahulog ang truck sa irrigation canal na ang lalim ay aabot sa 65 talampakan sa lugar na sakop ng lalawigan ng Izmir.

Maliban sa mga nasawi, aabot sa 13 pa ang nasugatan.

Ayon sa ulat, kabilang sa sakay ng naturang truck ay mga bata.

Pawang mga dayuhang migrante ang laman ng truck at pinaniniwalaan na biktima ng human trafficking.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa kung saang bansa galing ang mga migrante.

TAGS: Irrigation Canal, migrants, Turkey, Irrigation Canal, migrants, Turkey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.