ITCZ, nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 05:57 AM

Patuloy na nakakaapekto ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa.

Sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, buong Visayas at Mindanao.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa, maalisangang panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Wala ring namomonitor na sama ng panahon ang PAGASA sa susunod na mga araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.