Boracay handa na para sa dry run ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 04:58 AM

INQUIRER.NET

Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, aarangkada na ngayong araw ng Lunes ang dry run para sa muling pagbubukas ng Boracay island.

Matatandaang ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sikat na tourist destination dahil sa anya’y pagiging ‘cesspool’ nito.

Ayon sa Boracay inter-agency task force, nasa 152 establishments na ang pinayagang magbukas para sa publiko ngayong araw at maging sa soft opening sa October 26.

Ayon kay Environment and Natural Resources Usec. Jonas Leones, ang naturang mga accommodations ay ‘compliant’ o sumunod sa kanilang mga regulasyon.

Mayroon nang 1,000 rooms ang available para sa mga guests at dadagdagan pa ng 1,000, bukas na ikalawang araw ng dry run.

Gagawing prayoridad ang mga lokal na residente ng Aklan.

Binalaan ng DENR ang mga hindi pa compliant na mga establisyimento na iwasang magbook mula October 26 hangga’t hindi pa sila sumusunod sa regulasyon.

Samantala, itinakda na rin ang entry at exit points sa isla kung saan ang mga turista na sakay ng ferries ay direktang dadalhin sa beach front imbes na manggagaling pa sa Cagban Port na isinasailalim pa sa rehabilitasyon.

Available din ang shuttle services ngunit dadaan sa mga alternate routes habang isinasaayos pa ang main roads.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.