Pangulong Duterte hindi dadalo sa inagurasyon ng Boracay

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 04:10 AM

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa muling pagpapasinaya sa Boracay halos anim na buwan matapos isailalim sa rehabilitasyon ang isla.

Sa isang speech sa Manila Hotel kahapon, sinabi ng pangulo na pupunta lamang siya sa Boracay para personal na ipamahagi ang mga lupa para sa mga katutubo ng isla.

Ayon sa pangulo, hindi siya mahilig sa mga engrandeng mga selebrasyon.

Nakatakdang buksan ang Boracay ngayong araw sa publiko bilang bahagi ng dry run sa opisyal na pagbubukas nito sa October 26.

Bagaman hindi dadalo sa inagurasyon, sinabi ni Duterte na masaya siyang malinis na ulit ang isla.

Umaasa anya siya na sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay mapapanatili ng lokal na pamahalaan ang ganda ng top tourist destination.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.