Aubrey Miles ipinakita ang baby bump sa isang fitness maternity shoot

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 12:24 AM

Nice Print Photo

Kilala sa pagiging fitness enthusiast, ginamit ni Aubrey Miles ang kanyang hilig upang ipagmalaki ang kanyang baby bump.

Sa isang fitness-themed maternity shoot ay ipinakita ni Aubrey ang kanyang 7 months na baby bump.

Tila hindi alintana ng aktress ang lumalaking anak sa sinapupunan kahit na nag-pose siya habang naka-plank, side plank, bumubuhat ng dumbells, at nagbo-boxing.

Sa caption ng mga Instagram posts ni Aubrey, sinabi nito na bagaman buntis siya ay hindi ito nangangahulugang titigil na siya sa pagwo-workout.

Katunayan ay makikita sa Instagram profile ni Aubrey na madalas pa rin siyang magworkout kahit na dalawang buwan na lamang ay manganganak na siya.

Bukod sa fitness-themed maternity shoot ay nagkaroon din ng traditional maternity shoot si Aubrey kung saan suot niya ang isang puting gown na dedicated sa kanyang baby girl.

Ayon pa sa aktres, ito na ang kanyang huling pagbubuntis kaya naman sinulit na niya ang kanyang una at huling maternity shoot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.