Bilang ng nasawi sa suicide bombing sa Somalia umakyat na sa 20

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 12:08 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na dalawang suicide bombing sa Baidoa, Somalia.

Ayon sa general manager ng Baidoa City Hospital na si Abdifatah Hashi, 20 na ang bilang ng mga namatay, habang nasa 40 naman ang sugatan dahil sa pambobomba.

Inako na ng grupong al Shabaab, na konektado sa Al Qaeda, ang responsibilidad sa mga pag-atake.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang suicide bombers ang nagpasabog sa kanilang mga sarili sa loob ng dalawang kainan sa Baidoa.

Ayon kay Abdiasis abu Musab, tagapagsalita ng al Shabaab, tinarget nila ang dalawang kainan dahil madalas pumupunta doon ang pwersa ng pamahalaan.

Ang naturang pagpapasabog ay kasunod ng inilunsad na air strike ng Estados Unidos sa mga miyembro ng militanteng grupo na nasa Haradere district sa Galmudug region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.