DENR: 19,000 turista lang ang papayagan sa muling pagbubukas ng Boracay

By Rhommel Balasbas October 15, 2018 - 04:14 AM

INQUIRER.NET

Aabot lang sa 19,000 turista ang papayagan ng gobyerno na bumisita sa Boracay Island sa muling pagbubukas nito sa October 26.

Iginiit ni Department of Interior and Local Government Officer-In-Charge Eduardo Año na ang naturang bilang ay ibinatay ng pamahalaan sa carrying capacity ng sila.

Ayon sa opisyal, batay sa mga ulat, 55,000 lamang ang kapasidad ng Boracay kasama na ang mga manggagawa at turista.

Sa muling pagbubukas ng isla ay hindi na papayagan ang beach parties at festivities tulad ng ‘LaBoracay’ kung saan umaabot sa 40,000 hanggang 50,000 ang pumupuntang turista.

Dahil dito anya ay nasa 100,000 ang kabuuang bilang ng tao sa isla sa isang partikular na panahon na doble sa carrying capacity ng tourist destination.

Ipagbabawal din ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sa white beach ng Boracay.

Isinailalim sa anim na buwan na rehabilitasyon ang isla dahil sa problema sa sewerage system at winasak din ang mga iligal na istruktura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.