Pangulong Duterte sa militar: “I will step down”

By Justinne Punsalang October 15, 2018 - 02:47 AM

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng militar na magbibitiw na siya sa pwesto.

Ito ang isiniwalat ng pangulo sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng libro ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na pinamagatang “Prosper Thy Neighbor.”

Ayon sa presidente, nang makapulong niya sa isang command conference ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army, at Philippine Navy ay sinabihan niya ang mga ito na kung gusto nilang magbitiw na siya sa pwesto ay tumayo lamang sila.

Ani Duterte, sisimbolo ang kanilang pagtayo sa kanilang kagustuhan na umalis siya sa pagkapangulo.

Paliwanag pa niya, nasabi niya ito dahil hindi na niya kaya ang lala ng kurapsyon sa bansa lalo na’t tila hindi ito maubos-ubos.

Ngunit wala naman aniya kahit isang tumayo at kumagat sa kanyang alok.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.