16 patay sa suicide bombing sa Somalia

By Angellic Jordan October 14, 2018 - 04:41 PM

Hindi bababa sa 16 katao ang patay habang mahigit 20 naman ang sugatan makaraan ang ilang suicide bombings sa southwestern Baidoa, Somalia.

Ayon sa isang pulis sa Baidoa, pitong katao ang nasawi sa unang pagsabog habang siyam naman sa ikalawang pagsabog.

Sinabi ng ilang saksi na dalawang suicide bomber ang nagpasabog ng kanilang suot na vest sa isang restaurant at coffee shop sa lugar.

Naganap ang pagsabog isang araw bago ang unang anibersayo ng truck bombing sa Mogadishu kung saan umabot sa 500 ang nasawi.

Dagdag pa ng opisyal, sinadya ang pag-target sa mga naturang lugar para puro sibilyan ang maging biktima sa insidente.

Samantala, sinabi rin ng opisyal na malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa mga matinding nasugatan sa pagsabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.