2 drug suspek arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon

By Angellic Jordan October 14, 2018 - 04:28 PM

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na buy bust operations sa Candelaria, Quezon.

Ayon kay Quezon police chief, Sr. Supt. Osmundo de Guzman, nahuli ang drug pusher na si Ariel Espaltero, 30-anyos, sa bahagi ng Barangay Pahinga bandang 5:50 ng hapon, araw ng Sabado.

Nakabili ng shabu sa suspek ang isang pulis na naging poseur buyer sa operasyon.

Kabilang din ang suspek sa drug watch list ng pulisya.

Nakuha kay Espatero ang dalawang pakete ng shabu na may bigat na 5.61 grams at nagkakahalaga ng P10,378.

Samantala, timbog din ang isa pang drug pusher na si Lamberto Liwanag, 49-anyos, sa hiwalay na buy bust operation sa Barangay Malabanban Norte.

Narekober naman kay Liwanag ang isang psachet ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.