Ejay Falcon, masaya sa paglabas niya sa isang K-drama series

By Rhommel Balasbas October 14, 2018 - 06:36 AM

Patok na patok ngayon sa mga Filipino ang eksena mula sa Korean drama series na ‘Where Stars Land’ kung saan itinampok ang Filipino actors na si Ejay Falcon at Lauren Young.

Kung proud ang mga Filipino para sa dalawa, masaya ring ibinahagi ni Ejay Falcon ang karanasan matapos makatrabaho ang Korean actors and actresses.

Naipalabas na ang episode na kabilang sina Falcon ay Young noong October 9 sa SBS Network at maging sa VIU.

Hangang-hanga si Falcon sa professionalism ng Korean actors at actresses.

Kwento niya, ni isa sa mga nasa-set ay walang may hawak na cellphone at lahat ng aktor ay laging nasa kanilang mga karakter kahit hindi naman natatapatan ng camera.

Advanced din anya ang mga Koreano sa larangan ng equipment.

Anya, mabilis ang trabaho dahil lahat ay wireless.

Ipinahayag din ni Ejay ang paghanga kina Chae Soo-bin at Lee Je-hon na anya’y likas na magalang at maalalahanin.

Bukod anya sa tulong ang naturang serye sa kanyang karera, pinakamahalaga anya ay ang natutunan niya sa show lalo na ang disiplina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.