Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing, nailibing na

By Rhommel Balasbas October 14, 2018 - 05:24 AM

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang napatay na si Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing.

Kasama ng pamilya ang mga tagasuporta ng alkalde sa funeral procession at iginiit ng mga ito hustisya para sa namayapang opisyal.

Binigyan ng 21-gun salute si Buquing.

Kasabay ng paglilibing sa alkalde ay inihatid na rin sa kanyang huling hantungan si Boni Depdepen, driver ni Buquing na hindi rin nakaligtas sa pananambang.

Noong October 1 ay tinambangan ang sasakyan na sakay si Buquing sa bayan ng Bangar.

Matatandaang nito lamang Martes ay naaresto na ang sinasabing isa sa limang suspek na nang-ambush sa opisyal.

Samantala, hahalili si Vice Mayor Wendy Joy Buquing, sa pwesto ng kanyang asawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.