Rain or Shine naitala ang unang panalo para sa 2018 PBA Governor’s Cup

By Rhommel Balasbas October 14, 2018 - 02:10 AM

Wagi ang Rain or Shine kontra Barangay Ginebra sa iskor na 104-97 sa kanilang laban kagabi sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Ito ang unang panalo ng Rain or Shine para sa 2018 PBA Governos’ Cup matapos ang apat na sunud-sunod na pagkatalo.

Nagpasiklab si Terrence Watson at dinala ang koponan sa kanyang 29 points, 19 rebounds at six blocks.

Tinangka pang pumalag ng Gin Kings sa 4th quarter at naibaba ang iskor sa 101-97 sa natitirang 2 minutes and 54 seconds ng laban.

Gayunman, hindi ito hinayaan ni Gabe Norwood at nagpasok ng isang 3 pointer shot.

Nanguna para sa Ginebra si Justin Brownlee sa kanyang 23 points.

Dahil dito, tinuldukan na ng Rain or Shine ang 4-game winning streak ng Ginebra.

Sa ngayon ay pangatlo na lang ang Gin Kings sa standings sa scorecard na 7-2 at naibigay na ang unang pwesto sa Magnolia sa 6-1.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.