Richard Gomez naghain na ng COC para muling tumakbong mayor ng Ormoc City

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 08:14 AM SHARE(S):
Robert Dejon | Inquirer Visayas

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy para muling tumakbong alkalde si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Running mate ni Gomez ang kaniyang kasalukuyang bise alkalde na si Leo Carmelo Locsin Jr.

Sa paghahain ng COC, sinamahan si Gomez ni asawa niya na si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez.

Kung muling mahalal, sinabi ni Gomez na itutuloy niya ang kampanya kontra ilegal na droga sa lungsod at pagpapanatili sa peace and order.

Nais niya ring mas paunlarin pa ang ekonomiya ng lungsod.

Si Rep. Torres-Gomez naman ay sinabing hindi pa niya tiyak kung kailan siya maghahain ng COC sa Comelec office sa Tacloban City sa Leyte.

TAGS: elections, Ormoc City, Politics, Richard Gomez, elections, Ormoc City, Politics, Richard Gomez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.