Commercial/Residential Bldg. sa Binondo Maynila, nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 07:49 AM SHARE(S):

Nasunog ang isang commercial residential building sa Binondo Maynila.

Ang natupok na unit ay nasa itaas na bahagi ng gusali sa bahagi ng Soler at Alonza.

Nagsimula ang sunog pasado alas 6:00 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma.

Nahirapan pa ang mga bumbero na apulahin agad ang apoy dahil sa taas ng nasusunog na unit.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa Unit number 806.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Alas 7:20 naman ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

TAGS: binondo manila, fire incident, Radyo Inquirer, binondo manila, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.