Pagiging DFA secretary tinanggap na ni Teddy Boy Locsin

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 06:30 AM SHARE(S):

Tinanggap na ni Teddy Boy Locsin Jr. ang posisyon bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kaniyang twitter account, kinumpirma ni Locsin na inialok sa kaniya ang nasabing pwesto at tinanggap niya ito.

Bagaman mahal niya ang kaniyang trabaho sa bilang UN ambassador, hindi umano niya tinanggihan ang pagiging DFA secretary gaya ng hindi niya noon pagtanggi sa pwesto sa UN.

Papalitan ni Locsin si Sec. Alan Peter Cayetano na napapabalitang tatakbong kongresista ng Taguig City.

TAGS: DFA Secretary, Radyo Inquirer, Teddy boy Locsin, DFA Secretary, Radyo Inquirer, Teddy boy Locsin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.