Panelo bagong spokesperson ni Duterte

By Chona Yu October 11, 2018 - 02:52 PM SHARE(S):
Malacañang photo

May napili nang bagong tagapagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte simula sa araw ng Lunes.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang opisyal na magiging tapagasalita ng pangulo.

Dagdag ni Go, concurrent ang magiging posisyon ni Panelo.

Aminado naman si Presidential Sec. Harry Roque na walang siyang ideya na si Panelo na ang susunod na tagapagsalita ng pangulo.

Hanggang sa ngayon, wala pang pinal na pagpapasya si Roque kung tuloy o hindi ang pagkandidato sa 2019 senatorial election.

Noong Miyerkules ay sinabi ng pangulo na nagdesisyon na siya sa pagpili ng bagong tagapagsalita dahil hindi na niya mahihintay pa ang desisyon ni Roque.

Matunog rin ang balita na si Panelo rin ang itatala ng pangulo bilang press secretary na siya namang ipapalit sa kasalukuyang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ni Sec. Martin Andanar.

TAGS: duterte, panelo, press secretary, Roque, duterte, panelo, press secretary, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.