Pagpapadala ng feelers para maging nominee ng Kabayan Partylist walang katotohanan itinanggi ni Roque

By Chona Yu October 11, 2018 - 12:46 PM SHARE(S):

Mariing pinabulaanan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag ng Kabayan Partylist group na nagpadala siya ng feelers para maging nominee sa nalalapit na 2019 elections.

Pinabulaanan din ni Roque ang pagtawag sa kanya ng Kabayan Partylist group na dating spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, hanggang sa ngayon ay hindi pa siya nagreresign sa kanyang pwesto.

Giit ni Roque, walang katotohanan sa lahat ng antas ang naging pahayag ng grupong Kabayan.

Una rito, sinabi ng Kabayan na hindi na nila matatanggap na nominee si Roque dahil hindi siya naging miyembro ng Partylist group.

TAGS: Harry Roque, Kabayan, Radyo Inquirer, Harry Roque, Kabayan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.