Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na magiging nominee ulit ng Kabayan Partylist

By Erwin Aguilon October 11, 2018 - 12:43 PM SHARE(S):

Tinanggal na sa listahan o hanay ng mga miyembro ng Kabayan Partylist ang dati nitong kinatawan at kasalukuyang Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa opisyal na pahayag ng Kabayan Partylist, sinabi ng mga ito na hindi na nila ikinagulat ang pagkakatanggap nila ng mga feeler na nagsasabing nais muling maging nominee ng grupo si Roque.

Gayunman, sinabi ng grupo na January 2017 pa nila inalis ang pangalan ni Roque bilang kanilang miyembro.

Ang maari anilang gawin ni Roque bago maging nominado ay mag apply upang miyembro at kapag natanggap ay saka dadaan sa proseso kung mapipili bilang nomimee ng grupo.

Pero sa ngayon, ayon sa Kabayan Partlylist hindi kwalipikado ang tagapagsalita ng pangulo upang maging nominee ng kanilang grupo dahil hindi siya miyembro.

Dahil dito, hindi anila maaring ikonsidera si Roque na maging nominee ng Kabayan Partylist.

Kumpleto na rin anila ang lima nilang nominees at kabilang na dito sina Reps. Ron Salo at Paul Hernandez.

TAGS: elections, Harry Roque, inquirer, Kabayan Partylist, Politics, Radyo Inquirer, elections, Harry Roque, inquirer, Kabayan Partylist, Politics, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.