Santa Cruz, Zambales niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 11:47 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Santa Cruz sa lalawigan ng Zambales.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 10 kilometers South east ng Santa Cruz, alas 10:49 ng umaga, Huwebes, Oct. 11,

Ayon sa Phivolcs, 30 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ng Phivolcs ang Intensity I sa Dagupan City bunsod ng nasabing lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

TAGS: dagupan city, earthquake, pangasinan, Santa Cruz, zambales, dagupan city, earthquake, pangasinan, Santa Cruz, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.