Anak na babae ng pinaslang na si Mayor Antonio Halili, tatakbong alkalde ng Tanauan

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 11:31 AM SHARE(S):
FB Photo

Naghain ng certificate of candidacy (COC) para tumakbong mayor sa Tanauan, Batangas ang anak na napatay na si Mayor Antonio Halili.

Isinumite ni Angeline “Sweet” Halili, ang kaniyang COC sa unang araw ng paghahain ng kandidatura.

Ayon sa kaniya, masakit para sa mga taga-Tanauan ang sinapit ng kaniyang ama.

Dahil dito, marami aniya siyang natanggap na suporta para ituloy ang mga nasimulan ng kaniyang ama.

Ayon kay Angeline maling impormasyon ang ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umano ay pagkakasangkot ng kaniyang ama sa illegal na droga.

TAGS: Angeline Halili, COC, Radyo Inquirer, tanauan batangas, Angeline Halili, COC, Radyo Inquirer, tanauan batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.