LOOK: Nagpakilalang ‘ex’ ni Mocha Uson tatakbong senador

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 09:34 AM SHARE(S):

Isang nagpakilalang ex-boyfriend ni Mocha Uson ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec para tumakbong senador.

Si Angon Tuana na mula sa San Juan City ay nagtungo sa Comelec sa Intramuros para magsumite ng COC.

Kabilang aniya sa kaniyang agenda ay ang pagpapababa ng presyo ng produktong petrolyo.

Iyon aniya ang utos sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Uson na dati niya umanong girlfriend.

Nais din ni Tuana na mapababa ang halaga ng bigas at kuryente.

Dagdag pa ni Tuana, nagsilbi siyang security officer nang bumisita noon sa bansa si Pope John Paul II.

TAGS: elections, mocha uson's ex-boyfriend, Radyo Inquirer, elections, mocha uson's ex-boyfriend, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.