Daan-daang katao dumalo sa farewell mass para sa heart relic ni St. Padre Pio

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 09:26 AM SHARE(S):
UST Photo

Daan-daang deboto ang dumalo sa farewell mass sa Manila Cathedral para sa heart relic ni St. Padre Pio.

Madaling araw pa lang ng Huwebes nakapila na sa Manila Cathedral ang mga tao para dumalo sa Misa.

Natapos ang misa alas 7:00 ng umaga at matapos ito isang convoy ang nag-abang para dalhin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang heart relic patungong Cebu.

Mananatili sa Cebu Cathedral ang relic mula Oct. 11 hanggang 13 bago dalhin sa Davao City Cathedral at mananatili naman doon mula Oct. 14 hanggang 17.

 

TAGS: farewell mass, heart relic, St Padre Pio, farewell mass, heart relic, St Padre Pio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.