3 patay sa magnitude 6.0 na lindol sa Indonesia

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 08:37 AM SHARE(S):

Tatlo ang naitalang nasawi sa magnitude 6.0 na lindol na tumama sa Java, Indonesia.

Ayon sa tagalapgsalita ng disaster mitigation agency ng Indonesia na su Sutopo Purwo Nugroho, ang tatlong nasawi ay mula sa East Java makaraang may mga gusaling gumuho sa kasagsagan ng lindol.

Naitala ang epicenter ng lindol sa Bali Sea at ang epicenter nito ay sa layong 40 kilometers northeast ng Sumberanyar sa Java Island.

Ginaganap ngayon sa Bali ang annual meetings ng International Monetary Fund and World Bank na dinadaluhan ng 19,000 delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa Indonesia rin para sa ASEAN Leaders’ Gathering.

TAGS: Bali Quake, indonesia, java, Magnitude 6.0, Bali Quake, indonesia, java, Magnitude 6.0

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.