Kuril Islands, Russia niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 08:05 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Kuril Islands, Russia.

Naitala ang lindol alas 7:16 ng umaga ng Huwebes, Oct. 11, oras sa Pilipinas.

May lalim na 33 kilometers ang lindol.

Ayon sa Phivolcs, walang banta ng tsunami sa Pilipinas bunsod ng nasabing pagyanig.

Ito na ang ikatlong malakas na pagyanig na naitala ng US Geological Survey ngayong araw.

Ang una ay ang magnitude 6.0 sa Bali, Indonesia na sinundan ng magnitude 7.3 sa Papua New Guinea.

TAGS: earthquake, Kuri Islands, Magnitude 6.8, Russia, earthquake, Kuri Islands, Magnitude 6.8, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.