Papua New Guinea niyanig ng magnitude 7.3 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 05:28 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Papua New Guinea.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa New Britain Region alas 4:48 ng madaling araw ng Huwebes, oras sa Pilipinas.

May lalim na 33 kilometers ang lindol. Makalipas naman ang ilang minuto ibinaba ng USGS sa mganitude 7.0 ang lindol.

Samantala, sinabi naman ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas bunsod ng nasabing pagyanig.

TAGS: DOST - Phivolcs, Papua New Guinea Earthquake, US Geological Survey, DOST - Phivolcs, Papua New Guinea Earthquake, US Geological Survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.