Drug suspek patay sa engkwentro sa Pasig City

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 04:09 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang tulak ng droga matapos itong manlaban sa mga pulis sa Barangay Bambang, Pasig City.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Totie.

Ayon sa pulisya, matapos ang transaksyon at aktong aarestuhin na si alyas Totie ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Bagaman tinamaan sa katawan ang pulis ay nakasuot naman ito ng bullet proof vest at gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nabatid na sangkot din si alyas Totie sa tinatawag na ‘robbery baklas-bubong’ incident sa Barangay Rosario noong October 7.

Bukod pa dito ay suspek din si Totie sa mga insidente pagnanakaw sa nasabing lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.