Lider ng Bong Chavez Drug Group patay sa operasyon sa Rizal

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 03:05 AM SHARE(S):
Contributed photo

Nasawi ang isang kilabot na tulak ng iligal na droga matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Barangay Inarawan, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang nasawing suspek na si Gerardo Sandoval alyas Tisoy. Siya ang sinasabing lider ng Bong Chavez Drug Group.

Nabatid na bukod sa pagtutulak ng droga ay sangkot din ang nabanggit na grupo sa mga insidente ng robbery holdup, carnapping, at gun for hire. Ang lugar ng kanilang operasyon ay sa Metro Manila at mga probinsya sa CALABARZON.

Ayon sa mga otoridad, matapos ang transaksyon at akmang aarestuhin na nila si Sandoval ay nanlaban ito. Bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na gumanti naman ng putok.

Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 revolver at limang piraso ng sachet na naglalaman ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.