Ayen at Franco Laurel magsasama sa isang concert mamayang gabi

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 01:12 AM SHARE(S):
Ayen and Franco Laurel Instagram

Sa unang pagkakataon ay magsasama ang mag-asawang Ayen at Franco Laurel sa isang concert.

Ang kanilang concert na pinamagatang ‘Kitang Dalawa’ ay magaganap na mamayang gabi sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Kapwa kilala ang mag-asawa sa kanilang background sa musical theater at asahan nang itatanghal nila ang ilang mga awitin mula sa Broadway at mga original Pilipino musical. Bukod pa ito sa mga awitin sa genre ng pop, jazz, gospel, at maging kundiman.

Makakasama ng mag-asawang Laurel ang kanilang mga anak na sina Mariella, Hasan, at Angia sa kanilang concert.

Matutunghayan din sa concert ang pagtatanghal nina Cecile Martinez, Joni Galeste, at Jourdan Bartolome.

Ang concert nina Ayen at Franco ay magsisilbing pagdiriwang ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa loob ng 18 taon, magkaibigan, soul mates, magulang, at artists.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.