2 konsehal ng Makati City pinakakasuhan ni Mayor Abby Binay

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 12:21 AM SHARE(S):

Dudulog si Makati City Mayor Abby Binay sa Ombudsman upang kasuhan ang dalawang konsehal ng lungsod dahil sa kurapsyon at pagkakaroon ng ghost employees sa kanilang opisina.

Sa isang pahayag, sinabi ni Binay na hawak niya ang mga salaysay ng mga witness na nagtuturo sa mga ginagawang kabulastugan at pangungurakot ng mga opisyal sa lokal na pamahalaan.

Tinukoy ni Binay ang mga ito na sina Ferdinand “Ferdie” Eusebio at Divine Jacome.

Kinumpira pa ng alkalde na binubuyuhan nina Eusebio at Jacome ang kanyang kapatid na si dating Mayor Junjun Binay na tumakbo laban sa kanya sa darating na halalan.

Layon umano ng dalawang konsehal na makabalik sila sa pwesto

Umaasa siya na magdedesisyon at pipiliin ng kapatid ang mas nakabubuti para sa kanilang pamilya.

Ani Binay, karamihan sa mga konsehal ng lungsod ang namumulitika at kinakalaban siya.

Hinikayat naman ni Binay ang mga residente ng Makati City na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ang kanilang mga nalalaman tungkol sa mga iligal na gawain ng mga konsehal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.