P3M marijuana nasamsam sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 03:19 AM SHARE(S):
QCPD Station 6

Arestado ang isang lalaking tulak ng ipinagbabawal na droga matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Greater Fairview, Quezon City.

Nasabat mula sa tulak ng droga ang nasa 27 kilo ng marijuana.

Tinatayang nagkakahalaga ng P3 milyon ang narekober na marijuana mula sa suspek.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, nanggaling umano ang mga marijuana mula sa Mountain Province.

Mahaharap ang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.